Eroplanong Papel

Ilang patak lang ng luha galing sa langit

Bumagsak at unti-unti nang nalusaw ang mga

Eroplanong papel. Nakita ito ng kidlat at nanlisik

Ang kanyang mga mata.

 

Sino ang nagpaiyak sa aking Langit?

Humiyaw ang kulog at dumagundong

Ang mga bundok, nagtapon ng lupa, nagsaboy ng

Putik sa kapatagan. Wala ring patawad

 

Ang mga itim na ulap. Nagmamakaawa ang araw

Na masilip ang pinaparusahang nagsusumamo

Ngunit ‘di pahihintulutang sagipin ang

Sinumang nagpaiyak sa langit

 

Sumusugod ang bawat alon ng dagat sa mga isla

Dinadala ng malalakas na hangin sa kabilang ibayo

ang bawat bahagi  ng iyong paraiso. Hindi mo matitigan

ang dating mga kaibigang nakangiti’t nagpapaganda

Sa bawat mong umaga

 

Binuno mo ang kanilang galit, pinasan ang sintensyang

Ipinataw sa lahat ng nagkasala

Nang masilayan ng Araw ang nangyaring unos

Maski ito ay sandaling nagkubling muli buhat ng lungkot

 

Pumulot ka ng manipis na kartong makunat pa galing sa baha

Ilang patak lang ng iyong mga luha

Ang hawak mong eroplanong papel ay nagmamadaling

Lumipad dahil sa pangamba, sa pag-aakalang

Nagdadalamhati na naman ang langit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s