balik tanaw

Naholdap kagabi sa Agham Road yung sinasakyang kong jeep. Apat na taon sa Unibersidad, mag a-anim na sa Maynila. Unang beses naholdap.

‘Di ko makalimutan ‘yong diin ng mahabang kuko nung mama, parang nakabaon pa rin sa palad ko. Nakakatakot, nakakagulat, nakakatulala. Pero hindi ako nanghihinayang lang o nalulungkot doon sa kung anong nanakaw niya.

Naalala ko yung mga mas mahahalagang bagay na kinuha sa akin ng sapilitan, yung mga pagkakataong nakakatakot, nakakagulat, nakakatulala at wala na akong nagawa. Tulad noong bawiin ang buhay ng nanay, o maagaw ang puso ng dating mahal, tulad ng mabuhay ng matiwasay, ng pagkakataong makapagsuot ng Sablay, tulad ng pangarap ng marami- hinablot sa ating mga kamay dahil sa kahirapan dahil sa mga bagay na di inaasahan. Hindi yata tayo makakatawid sa buhay sa Maynila nang hindi nahoholdap. Pero sa’king palagay wala pa ring laban ang matulis na kuko ng holdaper sa bagsik ng buhay.

2 responses to “balik tanaw

    • Hi Rhea! Thank you. Yes, I know some of the people who’ve been part of their events. Mostly from UP. Not a great writer here, just someone who wants to write. 🙂 Not like, as you mentioned, Words Anonymous. They are brave ones. I don’t even have the courage to put my real name under my blog posts.

Leave a comment