Sa Kanto ng Magiting at Maginhawa II

Sabi mo sa akin “lumakad ka na”. Gusto kong umiyak kasi alam kong kapag tumalikod ako ngayon, hindi na ko makakabalik. Kasi alam ko na kapag tinalikuran kita ngayon, hindi na ulit kita makikita kung paano kita nakita ngayong gabi at hindi mo na ako makakasama kung paano mo akong nakasama.

Gusto kong umiyak kasi alam kong ito na ‘yung huli. Gusto kong umiyak kasi hindi ko alam kung sapat na ba lahat ng ala-alang inipon ko para hindi kita malimutan. Umiyak ako kasi alam kong kulang. Kahit alam kong mayroong huli dahil nangako akong darating ‘yung huli. Gusto kong titigan ka hanggang sumuko ‘yung oras at siya mismo ‘yung tumigil. Gusto kong tumayo sa harap mo, itanong kung bakit mali ito at kung bakit mali tayo. Gusto kong itama lahat ng mali sa akin para maging tama para sa’yo.

Kung kaya bang sabihin lahat ng iyon sa isang halik. Dahil hindi ko kaya kahit isang salita.

Pero sabi mo sa akin “lumakad ka na”. Dahil alam mong may naghihintay sa’kin at mayroon ka ring babalikan. Bakit kahit isang hakbang palang, parang ang layo mo na. Bakit  hinahayaan ang taong makaramdam at makatagpo ng pagmamahal na hindi niya maaaring itago. Kung hindi ikaw, bakit pa.

Hindi ka ba nalungkot, na naghiwalay tayo sa isang lugar na nagdudugtong ng dalawang guhit sa lupa. Hindi ka ba nalungkot, na may mga tulad nitong nagtagpo at hindi na naghiwalay. Hindi ka ba nalungkot, nung gabing nawala ang lahat sa atin maliban sa ilaw ng poste, sa kanto ng Magiting at Maginhawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s